Thursday, March 24, 2005
KAKALUNGKOT

This morning, while at work, may isang Filipina maid na pumasok sa office.

Maid: "Miss, pinay ka?"
Ako: " Opo."
Maid: "Magkano ang ticket papuntang pilipinas?"
Ako: "Magpapadala po kayo ng ticket sa atin?"
Maid: "Ah, hindi. Bibili ako ng ticket." (Habang sinasabi nya to, naluluha na sya) "Gusto ko ng umuwi ng pilipinas. Hindi ko iintindihin kung magkano. (Tuluyan na syang naluha.)
Ako: "Ate, ok ka lang?"
Maid: "Hirap na hirap na kasi ako."

Wala akong nagawa syempre dahil hindi naman kami travel agency. Tinuro ko na lang sa kanya ang pinakamalapit na travel agency at sinabi ko kung mga magkano ang one way na pamasahe papunta satin.

Awang- awa talaga ako sa kanya. Kung pwede lang na iuwi na agad sya satin, iuuwi ko na sya.

Nakakalungkot talaga ang situation ng mga househelpers dito sa abroad. May isa rin akong nakilala na pinay housemaid. May edad na sya. Makikita mo na kulubot na ang kanyang balat, at estimate ko na nasa 50+ na sya. First time na nakita ko sya, nasa kabilang kalye, buhat-buhat ang isang malaki at mabigat na kahon para dalin samin at ipadala. Hindi man lang sya tulungan nung driver nila. I really feel sad for her. Siguro, thrice a month, nagpupunta sya sa office at nagpapadala ng mga kahon-kahon.

Sabi nga sa isang pelikula, "Kung maayos lang ang kalagayan natin sa Pilipinas, hindi na natin kelangan pa magpakaalipin sa ibang bansa." Kung lahat sa atin ay mabibigyan ng marangal na trabaho, diba, masaya? Wala ng iwanan, sama-sama na lang ang lahat. Pero hindi lahat ay pinalad, kaya nakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Wala na sanang mga Filipino na nangungulila at nagpapakiharap ng malayo sa mga minamahal.

Pero, kelan kaya mangyayari yun? :o(


Monday, March 21, 2005
The Bomb

Last Saturday ata yun. My mom and I were driving home after picking her up from work and after passing by KFC to buy us some dinner, when we heard this loud blast. Loud talaga sya, kasi talagang kumabog yung dibdib ko. Nagulat ako and i asked my mom," what was that?." "Ewan ko", yun lang ang sagot nya. So I just said na baka may nagkaron lang ng flat tire na truck kaya ganun kalakas yung sabog. So, we went on home. And after some time, nalaman ko na lang from my dad na it was a bomb, real bomb na sumabog.

It happened malapit sa isang international school dito. Isang car ang sumabog, may suicide bomber sa loob ng car. Kakagulat na news kaya naman everyone is condemning it. Alam din ata ng buong mundo ang nangyari dahil it was shown on international news. My uncle from US emailed me asking how we are doing here.

Kakatakot din minsan, coz u never know when they will attack... But if it's your time, it's your time, right?

*******

At Work

Minsan, when it comes to work, meron talagang may kaiinisan ka. You're there doing your best and nanjan lang sya, parelax-relax but you're getting the same wages. And even, that person is getting more than what dapat ang para sa kanya. Kakainis diba?


Wednesday, March 16, 2005
I feel so inggit!! Inggit talaga ako. Almost all of my friends are going home sa pinas for vacation. Dapat uwi rin ako ngayong month kung hindi ako lumipat ng work. Kakainggit talaga! Sobrang miss ko na ang pinas… haaay… I have to wait for nine months pa… sisiguraduhin ko talaga na this December, uuwi ako for Christmas and new year! Excited talaga ako! Kung gano ako ka-excite last year na umuwi this month ganun din ngayon, eagerly waiting for December to come…

***
I put back the blogger comments.. ok na kasi sya ngayon kasi may mga pics... so pwede na ring dun kayo magcomment.. ;)

***
My brother is coming next week! We all miss him so much… pero syempre, kelangan mag-allocate ng money at tiyak madaming bibilin na naman yun… Turo ditto, turo doon! Im thinking of buying a new mobile pa naman… pero kakalungkot din kasi balak din naming papuntahin ang grandma ko dito, kaya lang nadeny ng immigration due to old age. Ngayon maiiwan sya dun… kasi wala brother ko… kakalungkot…

***
Malalaman mo lang pala ang importansya ng isang tao pag mawawala na sya sayo… tama ako diba?


Saturday, March 05, 2005
FIRST TIME

Last Friday, we gave my Mom a birthday treat. She suggested to dine in a Japanese-Korean restaurant. 'Twas my first time to eat Japanese foods. You can call me a "jolog" pero i never liked their raw foods, like what we ordered - SASHIMI. Uggh! Of course, raw fishes like hammour, red snapper and salmon were on it. I took a small piece of the uncooked food, tasted it but tried to swallow the small bite i took, coz it's really yucky for me. Good thing there's tempura, teriyaki and bento which i feasted heartily. But what's important is that my Mom enjoyed the cuisine, especially the Sashimi. Hehehe..

Image hosted by Photobucket.com
the Bento Set

Image hosted by Photobucket.com
Sashimi

Image hosted by Photobucket.com
Korean BBQ (which is being cooked in front of us) and our dessert - SUHA!

Never will i eat raw foods again!

*****
Changed my template. I managed to do it despite of my eyes drooping while I'm in front of the computer, tinkling pics in photoshop. But somehow, this template lacks something... Any suggestions?