Thursday, March 24, 2005
KAKALUNGKOT

This morning, while at work, may isang Filipina maid na pumasok sa office.

Maid: "Miss, pinay ka?"
Ako: " Opo."
Maid: "Magkano ang ticket papuntang pilipinas?"
Ako: "Magpapadala po kayo ng ticket sa atin?"
Maid: "Ah, hindi. Bibili ako ng ticket." (Habang sinasabi nya to, naluluha na sya) "Gusto ko ng umuwi ng pilipinas. Hindi ko iintindihin kung magkano. (Tuluyan na syang naluha.)
Ako: "Ate, ok ka lang?"
Maid: "Hirap na hirap na kasi ako."

Wala akong nagawa syempre dahil hindi naman kami travel agency. Tinuro ko na lang sa kanya ang pinakamalapit na travel agency at sinabi ko kung mga magkano ang one way na pamasahe papunta satin.

Awang- awa talaga ako sa kanya. Kung pwede lang na iuwi na agad sya satin, iuuwi ko na sya.

Nakakalungkot talaga ang situation ng mga househelpers dito sa abroad. May isa rin akong nakilala na pinay housemaid. May edad na sya. Makikita mo na kulubot na ang kanyang balat, at estimate ko na nasa 50+ na sya. First time na nakita ko sya, nasa kabilang kalye, buhat-buhat ang isang malaki at mabigat na kahon para dalin samin at ipadala. Hindi man lang sya tulungan nung driver nila. I really feel sad for her. Siguro, thrice a month, nagpupunta sya sa office at nagpapadala ng mga kahon-kahon.

Sabi nga sa isang pelikula, "Kung maayos lang ang kalagayan natin sa Pilipinas, hindi na natin kelangan pa magpakaalipin sa ibang bansa." Kung lahat sa atin ay mabibigyan ng marangal na trabaho, diba, masaya? Wala ng iwanan, sama-sama na lang ang lahat. Pero hindi lahat ay pinalad, kaya nakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Wala na sanang mga Filipino na nangungulila at nagpapakiharap ng malayo sa mga minamahal.

Pero, kelan kaya mangyayari yun? :o(


12 Comments:

Blogger M said...

marami talagang ganyan d2 o kahit saan bansa lalo na ang HK.

pero yon nga dahil sa hirap sa pinas, tinitiis na lang lahat ang hirap, pagod at pag aalipusta sa kanila para lang kumita ng medyo malaki.

so sad...pero ganyan nga ang buhay, unfair minsan at siguro may reason din kung bakit naging ganon ang kanilang kapalaran.

black saturday ah!

Blogger M said...

happy easter! sana maka join ka sa despedida ni jodeth kahit sandali lang.

Blogger Jen 김전제 said...

nakakalungkot naman yun :( sna aok na sha.

happy easter, jajey!

Blogger Claud said...

how sad. :( that's why our OFWs are the new heroes and heroines! :)

Blogger Jajey said...

kelan ba despedida?

Blogger M said...

sa thursday night. sana makadaan ka pagkatapos ng church nyo, nandon lang kami til dawn, hanggang magka paos na boses namin sa kakanta sa bahay nila

Blogger Jajey said...

SAN? SA BAHAY NILA?

Blogger M said...

uu, lam mo naman siguro haus nila diba?

sa likod lang ng star of india sa tv roundabout

Blogger M said...

hindi ka na naman nakapunta...pero okay lang ganon naman talaga. next time na naman

Blogger Laurene said...

You know, i got a yaya, too. she went to hong kong na...she has a family here in the philippines...very sad kasi they are apart pa...

Blogger Yen Prieto said...

10 yrs na2mn bgo ka mag update..
busy2han ka na naman ah...

Blogger Jajey said...

wahaha...kainis nga e..di me makapagupdate..bwiset.

Post a Comment

<< Home